Paglaganap ng pekeng ‘Palace ID’ pinaiimbestigahan na ng Palasyo

0
20

Inatasan na ng Malacañang ang National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) na imbestigahan ang umano’y paglaganap ng pekeng ID na mayroong logo ng Palasyo at pirma ni Pangulong Duterte upang makalusot sa mga quarantine checkpoints.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, dapat na managot ang nasa likod ng modus dahil isa itong uri ng krimen.

Nabatid naman na ibinebenta umano ang pekeng ID sa Presidential Task Force sa halagang P1,000 hanggang P3,000.

Dahil dito, muli namang pinaalalahanan ng Palasyo ang publiko na walang binebentang ID ang pamahalaan kung kaya’t huwag magpabiktima sa mga ganitong uri ng modus.