Bangkay Ng Suspek Sa Pagpatay Sa 12-Anyos Na Babae Sa Nabua Nakahimlay Na Sa Kanilang Bahay; Lola Nito Humihingi Ng Tulong Para Sa Pagpalibing Ng Kanyang Apo

0
327

Nakahimlay na sa kanilang bahay sa Santiago Old, Nabua, CamSur ang bangkay ng tinuturong suspek sa pagpatay sa 12 anyos na dalagita sa Nabua.

Si Ricky Balindan Ebonite, nasa tamang edad, residente ng Zone 2, Santiago Old, Nabua CamSur ang namatay maguumaga kahapon matapos umanong manlaban sa mga otoridad sa loob mismo ng hepatura ng Nabua Municipal Police Station habang ito’y iniimbistigahan.

Agad namatay si Ricky matapos itong bumunot umano ng baril sa myembro ng mga otoridad rason para unahan na ito ng mga otoridad na nagresulta sa agaran nitong kamatayan.

Si Ricky kasi ang tinuturong suspek sa pagpatay sa 12 – anyos na babae na si Trexia Mae Samson na natagluang patay sa masukal na parte ng Brgy. Bustrac Nabua noong nakaraang araw.

Sa eksklusibong pakikipanayam ng Rinconada News kay Nenita Ebonite, ang lola ni Ricky, hindi ito makapaniwala na wala na ang kanyang apo. Hindi rin iti naniniwala na si Ricky nga ang mismong pumaslang kay Trexia.

Nananawagan ito sa may utak ng krimen na lumantad na dahil masakit sa kanilang loob na ang kanilang apo ang namatay ng walang kalaban laban.
(Melvin F. Barayoga, RPN DZKI Iriga OIC)

(Source: Rinconada News Facebook page)

Leave a Reply