Saturday, May 4, 2024

Bagyong Falcon at habagat nag-iwan ng pinsala sa iba’t ibang lalawigan

- Advertisement -

Nag-iwan ng pinsala ang bagyong Falcon at habagat sa iba’t ibang lalawigan.

Gaya na lamang ng pagguho ng lupa sa Cordillera Region dahil sa lakas ng ulan na dala ng bagyo.

Patuloy naman ang isinasagawang clearing operation ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ng mga nasirang kalsada sa Kenon Road.

Halos kalahati naman ng kalsada sa Bakun, Benguet ang natabunan ng gumuhong lupa at mga bato.

Inilikas naman ang halos 300 pamilya ng Barangay Malaya Kadena De Amor sa Mariveles, Bataan dahil sa banta ng landslide.

Nagdudusa naman sa baha ang mga residente sa Masantol, Pampanga.

Umapaw naman ang Dun Cayo River sa Bani, Pangasinan na nagdulot ng halos 4ft.  baha sa lugar.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img