Sunday, April 28, 2024

Babaeng Chinese na dinukot sa Makati nakauwi na

- Advertisement -

Nakauwi na sa kanilang bahay ang babaeng Chinese na sapilitang dinukot at isinakay sa van sa Makati City.

Ayon kay Makati City Police Chief Col. Rogelio Simon, ang asawa ng biktima ang mismong nagreport na nakauwi na sa kanilang tahanan ang kanyang misis noong Linggo ng madaling araw.

Aniya, maaaring nakaramdam ang mga suspek na kapwa Chinese rin ang pressure dahil natukoy na ng pulisya ang kanilang pagkakakilanlan.

Dagdag pa rito, natunton rin ng pulisya sa Paranaque ang bahay na pinagdalhan umano ng mga suspek sa babaeng Chinese.

Batay naman sa ulat ng Bureau of Immigration, nakatakas na papaalis ng bansa noong Disyembre 12 ang pinaniniwalaang lider ng grupong nandukot.

Bagamat walang planong magsampa ng kaso laban sa mga suspek ang biktima at asawa nito ay itutuloy parin ng pulisya ang ligal na hakbangin laban sa mga ito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -