Saturday, May 4, 2024

Aquino ipinagtaka ang hindi na pagbabalik sa kanya ng kanyang security detail

- Advertisement -

Tila sumama ang loob ni Director General Aaron Aquino ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagbawi ng Philippine National Police (PNP) sa kanyang security detail.

Sa isang statement, sinabi ni Aquino na nagtataka sya kung bakit hindi na pinabalik sa kanya ang kanyang security detail gayung ang mga nakatalaga sa ibang opisyal ay pinabalik rin agad matapos mag report sa PNP.

Samantala, binigyan na ng ibang assignment ang kanyang security detail sa kabila ng kanyang apela sa regional director ng Police Regional Office (PRO)-3 dahil sa banta sa kanyang buhay at sa kanyang pamilya.

Ayon kay Aquino, nagbigay na ng verbal instruction ang Pangulong Rodrigo Duterte kay Senador Bong Go na ibalik ang kanyang security detail matapos ang kanilang pulong noong September 25.

Dahil sa verbal instruction ng pangulo, sinabi ni Aquino na hiniling nya sa kanyang mga security detail na magreport na sa kanya.

Gayunman, ang kanyang kahilingan sa PRO-3 ay ibinigay sa Police Security and Protection Group (PSPG) at naforward naman sa tanggapan ni PNP chief General Oscar Albayalde.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img