28.9 C
Manila
Friday, April 19, 2024

DOLE pinaalalahanan ang mga employers kaugnay sa holiday pay rules ngayong Bonifacio Day

- Advertisement -

Pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employers kaugnay sa dapat matanggap na bayad ng mga manggagawang papasok sa trabaho ngayong Bonifacio Day.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, deklarado ang Bonifacio Day bilang regular holiday kung saan makatatanggap ng double pay o 200 percent ng arawang sahod ang mga empleyadong pumasok sa trabaho ngayong araw.

Dapat din makatanggap ng karagdagang 30 percent ng kanilang hourly rate ang mga mangagagawang mag-oovertime o sosobra sa walong oras ang trabaho.

Sakali namang matapat sa day off pero pinag-report sa trabaho ang isang manggagawa, makatatanggap naman ito ng karagdagang 30 percent sa arawang sahod bukod pa sa double pay.

At kung mag-oovertime naman ang isang nakaday off na empleyado pero pumasok sa trabaho, daragdagan pa ito ng 30 percent ng hourly rate.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -