Monday, May 6, 2024

Alok na posisyon kay Robredo, isang patibong — De Lima

- Advertisement -

Itinuturing ni Senator Leila De Lima bilang isang patibong ang pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Vice President Leni Robredo bilang co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Ayon kay De Lima, ito ay patibong para insultuhin ang si VP Leni kasunod ng kanyang kritisismo sa kampanya laban sa iligral na droga ng pamahalaan.

Aniya, gusto lamang ipasa ni Pangulong Duterte sa Bise Presidente ang responsibilidad sa sablay na war on drugs.

Iginiit rin ni De Lima, malinaw na hindi sapat o epektibo ang solusyon ng pamahalaan sa problema sa iligal na droga.

Samantala, naniniwala rin si Senator Francis Kiko Pangilinan na layon ng naturang hakbang na patahimikin ang Bise Presidente dahil sa patuloy na pambabatikos nito sa paglusot ng ninja cops, ninja sa customs at maging ang mga sindikato ng droga.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img