33.3 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Programa, proyekto ng DA epektibo dahil sa patuloy na pagbaba ng inflation rate

- Advertisement -

Target ng Department of Agriculture (DA) na maibaba pa sa 2.5 na porsyento hanggang 2 porsyento ang paglago ng produksyon sa sektor ng agrikultura.

Ito ay kasunod ng patuloy na pagbaba ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo nakaraang buwan ng Oktubre.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, patunay na epektibo ang ipinatutupad na programa at proyekto ng kanilang ahensya dahil sa patuloy na pagbaba ng inflation rate.

Aniya, lumago sa 2.87 porsyento ang agricultural production sa third quarter ng 2019, ito ay kung saan tumaas ang aning pananim, livestock, poultry at maging sa sektor ng fisheries.

Gayunman, bumaba naman sa 4.53 porsyento ang produksyon ng palay.

Samantala, titiyakin naman ng sektor ng agrikultura ang patuloy na paglago ng mga produksyon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -