Mababang inflation rate, hindi ramdam ng mga manggagawa – ALU-TUCP

0
16

Hindi nararamdaman ng grupo ng manggagawa partikular sa Associated Labor Unions – Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP), ang patuloy na pagbaba ng inflation rate.

Ayon kay ALU-TUCP Spokesperson Alan Tanjusay, bagamat bumabagal ang inflation rate ay nararamdaman parin ng mga maliliit na manggagawa ang umento sa singil sa kuryente at tubig.

Dagdag pa ni Tanjusay na marami parin sa mga Pilipino ang nagugutom at hirap na ipagkasiya ang maliit na sahod.

Iginiit rin nito na wala nang mabiling murang NFA rice at patuloy pa ang pagtaas ng presyo ng bigas habang hindi naman natataasan ang mga suweldo.

Sa huli, ipinagtataka ni Tanjusay ang hindi pagkakatugma ng mga datos na ipinapalabas sa reyalidad na nangyayari sa bansa.