Saturday, May 18, 2024

Albayalde nakatakdang bumaba sa pwesto sa Oktubre 29

- Advertisement -

Nakatakdang bumaba sa puwesto ni Philippine National Police o PNP Chief Gen. Oscar Albayalde sa darating na Oktubre 29 o sampung araw bago ang kaniyang mandatory retirement.

Ayon kay Sen. Christopher Bong Go, ito ay dahil sa nakatakdang pagdalo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ASEAN o Association of Southeast Asian Nations Summit sa unang linggo ng Nobyembre sa Bangkok, Thailand.

Dahil dito, mapapa-aga aniya ang turnover ceremony na nakatakda na sa Oktubre  29 sa halip na sa Nobyembre 8.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Albayalde na handa na siyang magretiro at suportado niya ang sino man na mapili ng pangulo na susunod na PNP chief.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -