Sunday, May 5, 2024

Albayalde itinanggi na binawian nila ng security escorts si Aquino

- Advertisement -

Itinanggi ni Philippine National Police (PNP) Chief, General Oscar Albayalde na binawian nila ng security escorts si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino dahil sa ibinunyag nito na buhay pa ang operasyon ng ‘ninja cops’.

Ang ‘ninja cops’ ay tumutukoy sa mga pulis na nagrerecycle ng mga nakumpiska nilang illegal drugs.

Ayon kay Albayalde, pansamantalang binawi ang security escorts ni Aquino dahil gagamitin ang mga ito sa SEA games.

Labinglima anya ang nakatalaga kay Aquino gayung dalawa lamang ang karaniwang ibinibigay na escort sa mga regional directors at director generals.

Sinabi ni Albayalde na nagbigay rin sya ng instructions na bigyan ng apat na pansamantalang security detail si Aquino.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img