Sunday, May 5, 2024

93 karagdagang aircon units sa MRT 3 asahan

- Advertisement -

Asahan na ng mga pasaherong sumasakay sa Metro Rail Transit (MRT) line 3 ang mas malamig na biyahe sa mga susunod na araw.

Ito’y makaraang maikabit na ng pamunuan ng DOTr-MRT ang may 93 karagdagang aircon units para sa mga bagon nito.

Nabatid na noong buwan ng Agosto ikinabit ang may 33 mga bagong airconditioning unit maliban pa sa 600 naikabit na noong isang taon.

Dahil dito, mayroon nang kabuuang 120 airconditioning units ang MRT line 3 na nagkakahalaga ng halos P167-M.

Binili iyon ng nagbabalik na service provider na Sumitomo sa ilalim ng comprehensive rehabilitation project ng DOTr para sa nasabing mass transit.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img