31.1 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

‘All Female’ police station inilunsad na sa lalawigan ng Siquijor

- Advertisement -

Tiniyak ng pambansang pulisya na hindi papahuli sa mga lalaking pulis ang bagong tatag na “all female” police station sa aspeto ng peace and security.

Ito’y makaraang pormal na pasinayaan kahapon ang nasabing bagong himpilan ng pulisya na patatakbuhin ng mga lady cop na binansagang “Mariang pulis” na nasa bayan ng Maria, lalawigan ng Siquijor.

Ayon kay Police B/Gen. Debold Sinas, Hepe ng Police Regional Office 7, layunin ng nasabing hakbang na maisulong ang women empowerment sa pagtitiyak ng seguridad at kapayapaan sa nasabing komunidad.

Bago pa man pormal na mailunsad, pinatatakbo na ang Maria Police Station ng anim na babaeng pulis sa ilalim ng patnubay ng Provincial Director ng Siquijor PNP na si P/Col. Angela Rejano.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -