Thursday, May 9, 2024

50 katao sugatan sa aksidente sa SCTEx

- Advertisement -

Sugatan ang limampu (50) katao sa salpukan ng isang pampasaherong bus at trak sa northbound lane ng Subic-Clark-Tarlac Expressway SCTEX sa bahagi ng Concepcion, Tarlac.

Ayon kay NLEX-SCTEX Traffic Manager at Spokesman Robin Ignacio, limampu (50) sa mga sakay ng bus kabilang ang driver ang napinsala sa insidente.

Tatlo aniya sa mga biktima ang malubhang nasugatan.

Agad naman isinugod sa Concepcion District Hospital ang karamihan sa mga sugatang pasahero.

Sinabi ni Ignacio na mabilis ang takbo ng bus kaya’t inaalam nila ngayon ang posibilidad na nakatulog habang nagmamaneho ang drayber ng bus.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img