- Advertisement -
Nadagdagan ng 39 na pasahero ng Diamond Princess cruise ship ang nagpositibo sa 2019 coronavirus disease (COVID-19).
Ayon kay Japanese health minister Katsunobu Kato, 53 ang kanilang huling sinuri at lumabas dito na 39 ang positibo.
Sa ngayon, may kabuuang 174 ang bilang ng pasahero ng Diamond Princess cruise ship ang nagpositibo sa COVID-19.
- Advertisement -