29 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

PUI sa COVID-19 umakyat na sa 382 —DOH

- Advertisement -

Umakyat na sa 382 ang bilang ng persons under investigation (PUIs) sa bansa dahil sa 2019 coronavirus disease (COVID-19).

Ayon sa Department of Health (DOH), mula sa kabuuang bilang ng PUI, nasa 196 ang nagnegatibo habang ang 183 ay nananatiling nag-aabang ng kanilang resulta sa pagsusuri.

Batay pa sa datos ng DOH, 51% ang nagnegatibo sa COVID-19 sa buong bansa.

Samantala, karamihan sa mga PUI ay mula sa Metro Manila, Central Visayas, Central Luzon, CALABARZON at Western Visayas.


Pinoy na galing HK inoorserbahan sa Negros Oriental vs. COVID-19

Inoobserbahan ngayon sa Negros Oriental Provincial Hospital ang isang Pinoy na galing sa Hong Kong at dumating sa bansa –ala-6 kagabi, Martes, ika-11 ng Pebrero.

Ito ay matapos na magka-ubo ito –isang sintomas ng 2019 coronavirus disease (COVID-19).

Ayon sa Provincial Epidemiology and Surveillance Unit, kanila itong kukuhanan ng nasopharyngeal secretion at agad na ipapasuri sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) upang malaman kung positibo o negatibo ito sa naturang virus.

Samantala, umakyat na sa pito (7) katao ang bilang ng patients under monitoring sa Negros Oriental.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -