- Advertisement -
Nakasungkit ng dalawang panalo ang Philippine Floorball Team sa 30th Southeast Asian (SEA) Games.
Una nang nakamit ang pagkapanalo sa laban ng women’s division laban sa Indonesia sa iskor na 8-1 na ginanap naman sa University of the Philippines sa Quezon City.
Sinundan naman ito ng muling pagkapanalo sa men’s division laban sa kaparehong bansa sa iskor na 5-1.
Samantala, tiniyak naman ng Philippine Floorball Team na kanilang susungkitin ang gintong medalya.
- Advertisement -