29.8 C
Manila
Thursday, March 28, 2024

Mataas na opisyal ng NPA dinala na sa Kampo Krame

- Advertisement -

Dinala na ng Criminal Investigation and Detention Group (CIDG) at National Capital Region Police Office (NCRPO) ang isang mataas na opisyal ng New People’s Army (NPA) sa Kampo Krame.

Ito ay matapos maaresto ang tagapagsalita ng NPA sa Timog Katagalugan na si Jaime Padilla sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City kahapon, araw ng Lunes.

Napag-alaman na miyembro rin si Padilla ng National Information Bureau ng Communist Party of the Philippines (CPP) Central Committee at sinasabing ito ay pinakamalapit umano kay CPP Founding Chair. Jose Maria Sison.

Samantala, may tatlo pang kasamahan si Padilla na nadakip din ng mga otoridad subalit hindi muna ito pinangalanan. —ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -