Friday, May 10, 2024

300 pulis mula Calabarzon apektado rin ng pag-aalburoto ng bulkang Taal

- Advertisement -

Apektado rin ng pag-aalburoto ng bulkang Taal ang may halos 300 pulis.

Ayon kay PNP Officer in Charge Police Lt. Gen Archie Gamboa, ang naturang mga pulis ay mula sa Calabarzon.

Kaugnay nito, inaasahan ng PNP na hindi agad na makababalik sa trabaho ang mga apektadong pulis para tutukan muna ang kanilang pamilya at kabuhayan.

Dahil dito,  handa naman ang PNP National Headquarters na magpadala ng dagdag na pulis para magbigay ayuda sa PNP Region 4A.

Naghanda naman ang PNP ng N95 mask, goggles at raincoats sa mga pulis na naka deploy sa mga evacuation centers at relief efforts.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -