Friday, May 17, 2024

3 pulis na sangkot sa pagpatay kay Kian Delos Santos hinatulang guilty

- Advertisement -

Hinatulang “guilty” sa kasong murder o katumbas ng parusang reclusion perpetua ang tatlong pulis na sangkot sa pagpatay sa 17-anyos na si Kian Loyd Delos Santos.

Dakong alas-9:00 nang ibaba ni Judge Rodolfo Azucena ng Caloocan City Regional Trial Court Branch 125 ang hatol kina Police Officer 3 Arnel Oares, Police Officers 1 Jeremias Pereda at Jerwin Cruz.

Sa 35 pahinang desisyon, pinagbabayad din ang bawat akusado ng 345,000 pesos na danyos sa pamilya ng biktima.

Hindi rin “eligible” sa parole ang tatlong pulis kaya’t kailangan nilang bunuin ang sentensyang 40-taon sa bilangguan.

Gayunman, inabsuwelto ni Judge Azucena ang mga akusado sa kasong planting of evidence.

Magugunitang inaresto ang tatlong pulis na nakatalaga sa Caloocan City Police Station 7 at ikinulong noong Pebrero, anim na buwan matapos paslangin si Kian sa isang madilim na eskinita sa Barangay 160, sa Bagong Barrio.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -