Sasalubong sa unang araw ng Disyembre ang rollback sa presyo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG).
Ayon sa oil industry sources, inaasahang nasa limang piso (P5) ang tapyas sa kada kilo ng LPG o katumbas ng limampu’t limang pisong (P55) bawas sa kada tangke.
Ang naturang rollback ay bunsod umano ng mababang demand sa LPG sa China na nagreresulta ng sobrang supply nito.
Una rito, nag-anunsyo na ang Eastern EC Gas ng kanilang rollback sa kanilang LPG, alas-6:00 ng umaga sa Sabado.