34.5 C
Manila
Monday, April 15, 2024

Cardinal Tagle may payo sa mga kabataan

- Advertisement -

Pinayuhan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga kabataan na iwaksi ang pakikipag-kompetensya at maging mabuting tao.

Ito ang mensahe ng Kardinal sa gitna ilulunsad na year of the youth sa Disyembre 1 hanggang 2 sa Our Lady of Guadalupe Minor Seminary sa Makati City.

Ayon kay Tagle, minsan lamang dumaan sa buhay ang yugto ng kabataan kaya’t mahalagang sa panahong ito ay mapag-yaman at maging mabunga ang karanasan ng isang tao.

Ito’y sa pamamagitan ng pag-aambag sa simbahan at komunidad na kinabibilangan at sa halip na kompetisyon ay dapat pairalin ng kabataan ang pagtutulungan upang makamit ang makabubuti para sa nakararami.

Naniniwala rin si Tagle na kung magsisimula sa mga kabataan ang pagkakaisa para sa kabutihan ay tuluyan nang mawawala ang pagkakanya-kanya pagdating sa mga nakatatanda.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -