Thursday, May 9, 2024

3 katao arestado sa buy-bust ops sa Pasay

- Advertisement -

Arestado ang tatlo katao kabilang ang isang dating aktres sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Pasay City.

Sinabi ng Pasay Police na target sa unang operasyon si Jennifer Kiilsgaard o mas kilala bilang Jenny Roa, dating aktres at naging cover girl ng isang sikat na alak.

Nagpositibo ang transaksyon matapos mabilhan ng police poseur buyer si Jenny Roa ng P300 halaga ng shabu.

Arestado rin ang isang lalaki na parokyano ng dating aktres na nakasabay ng poseur buyer sa pagbili ng droga.

Nakuha kina Jenny ang apat na pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P31,000.

Samantala, isa pang lalaki ang arestado sa isinagawang buy bust operation sa loob ng isang computer shop sa lugar.

P500 halaga ng shabu ang nabili sa lalaki na nakuhaan ng siyam na sachet ng droga na tinatayang nagkakahalaga ng halos P44,000.

Inamin ng tatlo na kanila ang droga subalit mahigpit na itinanggi ni Roa na nagtutulak siya.

Mahaharap sa kaukulang kaso ang mga naaresto sa nasabing operasyon. —ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img