Saturday, May 11, 2024

3-4 testigo inaasahang lulutang sa senate hearing sa umano’y katiwalian sa PhilHealth —Sotto

- Advertisement -

Inaasahang lulutang sa ikakasang pagdinig sa senado kaugnay sa katiwalian sa PhilHealth ang nasa tatlo hanggang apat na testigo.

Ito ang kinumpirma ni Senate President Vicente Sotto III.

Ayon kay Sotto, posibleng tumestigo rin ang nagbitiw na anti-fraud investigator ng PhilHealth na si Atty. Thorrsson Montes Keith.

Aniya, kanila ring pangunahing ipatatawag ang presidente ng PhilHealth na si Ricardo Morales.

Inihayag rin ni Sotto na mayroong iba’t ibang grupo at asosasyon ang nagpapadala ngayon ng mga impormasyon sa senado kaugnay sa hindi maayos na pagpapatakbo sa ahensya.

Samantala, umaasa naman si Sotto na lulutang sa pagdinig ng senado ang ma mabibigat na ebidensya upang maging daan para mapanagot ang mga corrupt officials ng PhilHealth na sa ngayon ay alegasyon pa lamang ang lumalabas.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -