29.5 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

22 sasakyan mula sa PSSLAI tinanggap ni PNP chief Gamboa

- Advertisement -

Tinanggap ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Archie Gamboa ang nasa 22 bagong mga sasakyan mula sa Police Service Savings and Loan Association Inc. (PSSLAI).

Isinagawa ang turnover kasabay ng lingguhang flag raising ceremony sa Kampo Crame na dinaluhan din ni PSSLAI chairman at CEO retired Major Gen. Lucas Managuelod.

Maliban dito, iginawad din ng PSSLAI ang Balangay Awards sa mga natatanging police unit dahil sa matagumpay na pagsusulong ng kampanya kontra krimen sa pamamagitan ng community engagement.

Kabilang sa mga kinilala bilang finalist si ‘Brig. Gen. Rafael B. Crame Balangay Awards’ ay ang Special Action Force (SAF), Provincial Police Office ng Iloilo, Quezon at La Union, City Police Offices ng Bogo, Lucena at Urdaneta gayundin ang Municipal Police office ng Daraga, Lagangilang at Tiwi.

Itinanghal namang mga nagwagi sa nasabing parangal ay ang PNP Finance Service, Provincial Police Offices ng Abra, Leyte at Cagayan, City Police Offices ng Mandaluyong, Legaspi at Dapitan gayundin ang municipal police offices ng Balaoan, Malasiqui at Jose Panganiban.

Ayon kay Managuelod, aabot sa P54-milyon ang kabuuang halaga ng mga bagong sasakyan at cash awards para sa naturang parangal. —ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -