Saturday, May 4, 2024

2 LPA patuloy na makakaapekto sa bansa

- Advertisement -

Dalawang sama ng panahon ang patuloy na makakaapekto sa malaking bahagi ng bansa.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang isa sa dalawang LPA o Low Pressure Area sa layong 715 kilometro silangan ng Basco, Batanes.

Inaasahang magdadala ito ng mahina hanggang katamtaman na may minsanang malakas na pag-ulan sa bahagi ng Batanes at Cagayan.

Dagdag ng PAGASA, posible ring mabuo ito bilang ganap na bagyo sa loob ng 48 oras at tatawaging ‘Nimfa’.

Samantala, namataan naman ang isa pang LPA sa layong 105 kilometro kanluran ng Iba, Zambales.

Palalakasin naman nito ang hanging habagat na madudulot naman ng mahina hanggang katamtaman at minsanang malakas na pag-ulan sa Zambales, Bataan at Occidental Mindoro.

Makakaranas din ng pag-ulan ang Metro Manila, nalalabing bahagi ng Luzon at Panay Island.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img