DOLE nakahandang ilikas ang mga Pinoy workers sa Saudi Arabia kung kinakailangan

0
31

Tiniyak ng pamahalaan na nakahanda silang ilikas ang mga manggagawang Filipino sa Saudi Arabia kung kinakailangan.

Kasunod na rin ito ng nangyaring pambobomba sa dalawang oil facilities sa nabanggit na bansa.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, katuwang nila ang Department of Foreign Affairs sa pag-aaral hinggil sa posibleng epekto ng pag-ateke sa Saudi Aramco sa seguridad at kaligtasan ng mga OFWs sa Saudi Arabia.

Kasabay nito, tiniyak din ni Bello na ligtas ang lahat ng mga Filipino sa Saudi Arabia at wala rin silang natatanggap na ulat ng mga nasugatan o nadamay sa insidente.

Tuloy-tuloy din aniya ang pagtatrabaho ng mga ito sa nasabing bansa.

Batay sa 2018 survey ng Philippine Statistics Authority, umaabot sa 5,050 ang mga pilipinong nagtatrabaho at naninirahan sa Saudi Arabia.