Saturday, May 4, 2024

2 kumpirmadong patay sa Oriental Mindoro dahil sa pananalasa ng Bagyong ‘Tisoy’

- Advertisement -

Dalawa katao ang kumpirmadong patay sa Oriental Mindoro sa pananalasa ng bagyong ‘Tisoy’.

Ayon kay Oriental Mindoro Governor Hubert Dolor, ang isang nasawi ay nagmula sa bayan ng Baco na nabagsakan ng sanga habang ang isa pa ay mula sa bayan ng Pinamalayan na tinamaan ng lumilipad na yero.

Aniya, wala pa namang napapaulat na sugatan at nawawalang indibidwal sa kanilang probinsya matapos ilagay sa tropical cyclone warning signal no. 3 ang buong Oriental Mindoro.

‘’Meron kaming naitala isa sa Pinamalayan, despite all the efforts po sa yun nga sa mga private residents na natalsikan po gn yero, at meron pong isa kanina umaga na nag c clearing siya ng puno sa harap ng kanyang bahay. Naapektuhan siya at dinala namin sa ospital,’’ ani Dolor. — sa panayam ng Ratsada Balita.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img