Monday, May 6, 2024

2 Chinese nat’ls na sangkot sa underground clinic sa Pampanga isinailalim sa alert list ng BI

- Advertisement -

Isinailalim sa alert list ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang Chinese national na sangkot sa operasyon ng sinalakay na underground clinic para sa mga may coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pampanga.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, layon ng kanilang hakbang na matiyak na hindi makaaalis ng Pilipinas ang dalawang Chinese nationals habang isinasagawa ang imbestigasyon laban sa mga ito.

Magugunitang naaresto ang mga Chinese na sina Liu Wei at Hu Shiling matapos salakayin ang ilegal na klinika na kanilang pinangangasiwaan sa Fontana Leisure Park sa Clark, Angeles City noong ika-19 ng Mayo.

Gayunman, nakalaya rin ang dalawang Chinese national dahil wala pang naisasampang kaso laban sa mga ito.

Samantala, sinabi ni Morente na nagsasagawa na rin sila ng hiwalay na imbestigasyon kaugnay naman ng sinalakay din na underground hospital para sa COVID-19 sa Makati City nitong nakaraang Martes.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img