Friday, May 3, 2024

2 Australian nat’ls na inilikas mula sa Diamond Princess sa Japan positibo sa COVID-19

- Advertisement -

Nagpositibo sa 2019 coronavirus disease (COVID-19) ang dalawang Australian nationals na inilikas mula sa Diamond Princess cruise ship sa Japan.

Ayon sa Australia health department, ang dalawang nagpositibo ay kabilang sa 170 Australian citizens na nakauwi sa Sydney matapos ang kanilang 14-day mandatory quarantine sa naturang cruise ship na nakadaong sa Yokohama, Tokyo simula pa noong Pebrero 3.

Bukod sa dalawang nagpositibo, minomonitor na ngayon ang anim pang pasyente mula sa inilikas dahil sa pagpapakita ng minor respiratory symptoms gaya ng lagnat.

Samantala, magugunitang nagpositibo rin sa COVID-19 ang dalawang nasawi sa Japan kahapon matapos inilikas sa Diamond Princess cruise ship.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img