Sunday, May 5, 2024

170 pasahero ng bumagsak na Ukranian plane patay

- Advertisement -

Nasawi ang lahat ng 170 sakay ng bumagsak na Ukrainian passenger plane, ngayong araw ng Miyerkules January 8.

Ayon sa Iranian Red Crescent, kasama sa naturang bilang ng nasawi ang mga pasahero at crew ng boeing 737 flight ps-752.

Batay naman sa ulat ni Reza Jafarzadeh, tagapagsalita ng Iran Civil Aviation Organization agad nilang ipinadala ang 22 ambulansya at helicopter para ma-rescue ang iba pang mga pasahero.

Dahil ayon sa paunang imbestigasyon lumalabas na ang eroplano ay papuntang Kiev at may kabuoang 180 pasahero at crew.

Samantala, patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad para sa mas marami pang impormasyon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img