Pang. Duterte hindi papayag na gamiting ‘transit point’ ng US ang Pinas

0
9

Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya papayagan na gamiting transit point o launching pad ng Amerika ang Pilipinas.

Bagamat may kinokonsidera nang hakbang ang Pangulo sakaling mas tumindi ang tensyon sa pagitan ng Iran at Estados Unidos, ay hindi parin aniya maiwasan ang lubusang pagkabahala.

Iginiit rin ng Pangulo na hindi niya isasabak ang mga Pilipinong sundalo sa giyera ng dalawang bansa maliban na lang kung i-dedemand ito ng pambansang interest at kung sasang ayon dito ang dalawang kapulungan ng Kongreso.

Samantala, papayaan ng pamahalaan ang mga war ship mula sa ibang bansa na makapag refuel sa Pilipinas.