Thursday, May 2, 2024

15 broadcasting companies na umeere kahit paso na ang prangkisa nais paimbestigahan sa kamara

- Advertisement -

Nais paimbestigahan sa kamara ni Nueva Ecija Representative Micaela Violago ang 15 broadcasting companies na patuloy rin sa pag-ooperate kahit napaso na ang prangkisa.

Kinukwestyon ng kongresista kung bakit hinahayaan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang patuloy na operasyon ng 15 broadcasting companies na paso na ang prangkisa at kasalukuyan pa ring dinidinig sa kongreso ang franchise renewals ng mga ito.

Iginiit nito na posibleng may nilalabag rin ang mga ito sa batas gaya na lamang ng labor law o tax evasion law.

Dagdag pa ni Violago, bukod sa ABS-CBN Network ay dapat ding masilip ang iba pang broadcasting companies na patuloy ang operasyon sa kabila ng kawalan ng prangkisa upang malaman kung talagang nakakagawian na ito sa broadcasting industry.

Isa rin aniya itong hakbang upang maipakita sa publiko na patas ang kongreso at walang pinapaburan na anumang kumpanya.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img