32.7 C
Manila
Friday, April 19, 2024

4 Chinese POGO workers natuklasang may dalang shabu, arestado sa Maynila

- Advertisement -

Naaresto ng Manila Police District (MPD) ang apat na Chinese POGO workers sa Maynila.

Ayon sa ulat, sinita lamang ng mga tauhan ng MPD ang mga Chinese nationals dahil sa hindi pagsusuot ng face mask.

Kanila itong inaresto at dito na natuklasan na mayroon itong dala-dalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P300,000.

Kinilala ang mga suspek na sina Zhi Qing Zhang, 25 taong gulang; Yukang Ji, 19 taong gulang; Yi Li, 30 taong gulang; at Shitong Zhang, 20 taong gulang; na pawang mga POGO workers at nakatira sa 99 hotel sa Quiapo, Maynila.

Samantala, sinampahan naman ang mga dayuhan ng paglabas sa City Ordinance 8627 at comprehensive drugs act of 2012 sa Manila Prosecutors Office.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -