29.5 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

11 POGO sa bansa pinasara sa Paranaque City

- Advertisement -

Ipinasara ng Department of Finance (DOF) at Bureau of Internal Revenue (BIR) ang 11 branches ng pinakamalaking Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa buong bansa.

Pinag-lock ng mga otoridad ang mga branches ng New Oriental Club88 Corporation sa apat na building sa Paranaque City dahil sa kawalan ng rehistro at paglabag sa tax laws.

Ayon kay BIR Deputy Commissioner Arnel Guballa, nakarehistro ang operasyon ng naturang kumpanya sa Makati City ngunit hindi ang mga sangay nito sa Paranaque.

Sa pagtaya ng BIR, posibleng pumalo sa bilyong piso ang kakulangan sa tax ng New Oriental Club 88.

Samantala, sa datos ng gobyerno, 6,700 na Chinese national ang nagtatrabaho sa naturang POGO company ngunit umaabot sa 18,000 ang aktuwal na nagtatrabaho dito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -