31.7 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Umano’y ebidensya na biktima ng hazing ang nalunod na kadete pinaghahanap na — PMA

- Advertisement -

Pinaghahanap na ng Philippine Military Academy (PMA) ang isang social media user na nagsabing ang isang kadeteng namatay sa pagkalunod noong nakarang buwan ay biktima ng hazing.

Una nang nag-post sa facebook ang isang Jose Larry Hermoso ang larawan ng mga sulat ‘di umano ni Cadet Forth Class Mario Telan Jr. kung saan sinalaysay nito ang nararanasang maltreatment ng kanyang upperclassmen bago siya nalunod.

Ayon kay PMA Spokesperson Capt. Cheryl Tindog, ang mga ganitong ebidensiya ay dapat na mapasakamay at masuri ng mga otoridad upang makapaghain ng kaukulang kaso.

Una nang rinule out ng PMA na anggulong foul play sa pagkamatay ni Telan.

Nasawi si Telan dalawang buwan matapos na mamatay si PMA freshman Darwin Dormitorio dahil sa hazing.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -