Heart Evangelista pinaghihinalaang buntis na

0
66

Maugong ngayon ang espekulasyon na buntis na si Heart Evangelista.

Kasunod ito ng pinost na larawan ni Heart kasama ang kanyang hubby na si Sorsogon Governor Chiz Escudero na nakahawak sa kanyang tiyan.

Batay sa obserbasyon ng mga netizens, tila iba ang paghawak ni Chiz sa tiyan ni heart na tila ba mayroon itong iniingatan.

Kasunod nito, inulan naman ng mga komento si Heart na nagtatanong kung siya ay buntis habang ang iba naman ay bumati na sa aktres.

Nanatili namang tikom ang bibig ng mag asawang Heart at Chiz kung talagang expecting na nga ba sila.

Matatandaang noong 2018 ay nagkaroon ng miscarriage si Heart sa kambal sana nilang panganay ni Governor Chiz.

Sinabi din dito ni Heart na sa susunod na siya ay mabubuntis ay hindi na niya ipapaalam sa publiko upang magkaroon ng privacy at sasabihin na lamang kapag nanganak na siya.