Wednesday, May 8, 2024

1 Pinoy nasugatan sa nangyaring pamamaril sa Saudi

- Advertisement -

Napabilang ang isang Filipino sa 7 nasugatan matapos madamay sa nangyaring pamamaril sa long time personal bodyguard ng hari ng Saudi Arabia na si King Salman sa Jeddah Al-Shatee district.

Batay sa ulat, nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang bodyguard ng Saudi King na si Major General Abdul Aziz Al-fagh sa suspek na sinasabing kaibigan din nito dahil sa hindi pa natutukoy na dahilan.

Kasunod nito bigla na lamang umanong kumuha ng baril ang suspek at walang habas na namaril.

Ayon sa Saudi police, tumangging sumuko ang suspek kaya napilitan na rin silang barilin at patayin ito.

Bukod sa 1 pinoy, nasugatan din sa insidente ang isa pang Saudi Arabian at 5 mieymbro ng security force.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img