13 KATAO MULA COTABATO CITY NA PUPUNTA SANA SA BALOT ISLAND, KALAMANSIG, SULTAN KUDARAT UPANG BUMISITA, NA DISGRASYA! DALAWA PATAY!

0
31
Sasakyang nahulog sa bangin na ikinamatay ng Dalawang pasahero at ikinasugat ng labing isa katao.

DAVAO CITY-

Dalawa ang Patay samantala Labing isa naman ang sugatan matapos mahulog sa bangin ang sinasakyan sa may Kalamansig Sultan Kudarat. Napag alaman mula sa Kalamansig Municipal Police Station na sakay ang mga biktima ng kulay green na Bongo Mazda na pampasahero may plate number MAA 4365 mula Cotabato City patungong Balut Island ng mangyari ang insidente dakong alas 2:25 nitong Sabado ng hapon noong Sept. 28, sa Sitio Babancao, Barangay Paril, Kalamansig Sultan Kudarat.

Nakilala ang driver ng sasakyan na si Sammy Sedik Alimao, 37 anyos, may asawa at residente ng Barangay Bulalo, Sultan Kudarat, Maguindanao. Kinilala ang dalawang nasawi na sina Jamil Ampatuan Guiampaca 20 single, estudyante, at Naif Pagatan Etto 7. Samantalang ang mga sugatan ay nakilala na sina: Nasrudin Usop Rajamuda 17 single fish vendor, Jehan Salik Kusain 17 single student, Henry Sandang Abdul 15 student, Jojo Guiampaca Gandawali 19 single student, Olsen Balbaran 15 single student,  Wahida Usop Rajamuda single student, Alan Guiampaca 41 married, driver, Datumanot Usop Rajamuda 17 single, fish vendor, Gina Gandawali Manise 14 single, student, Faisal Guiampaca Esmael, 24, married jobless at si Alicia Gandawali 18 single.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya habang binabaybay ng nasabing sasakyan ang highway ay nawalan ng preno ang sasakyan na siyang sanhi ng pagkahulog ng nasabing sasakyan.
Agad naman na sumaklolo ang mga rescue volunteer ng Kalamansig Municipal Disasters Risk Reduction Management Office at agad na isinugud sa Sultan Kudarat District Hospital ang mga sugatan bago inilipat sa Cotabato Regional and Medical Center sa lunsod ng Cotabato Sa ngayon ay nasa ligtas nang kalagayan ng mga sugatan.