Sunog sumiklab sa Naval station sa Sangley Point Cavite

by Powered by DWIZ
0 comment
Sunog sumiklab sa Naval station sa Sangley Point Cavite

Sumiklab ang isang sunog sa imbakan ng mga baril at bala sa istasyon ng Philippine Navy sa Sangley Point, Cavite bandang alas-5:30 kaninang madaling araw.

Ayon sa report, sa ngayon ay kontrolado na ng mga bumbero ang sunog ngunit nananatiling makapal ang usok sa lugar.

Tiniyak naman ng Cavite Fire Station na hindi na kakalat pa ang apoy sa mga katabing kabahayan.

Sa ngayon ay inaalam pa ang sanhi ng sunog.

(Ulat ni Jaymark Dagala)

 

 

 

Related Posts