Pinaslang na Gen. Tinio, Nueva Ecija Mayor Bote, ililibing ngayong araw

0
65

Ililibing na ngayong araw si General Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote.

Mamayang alas 8:00 ng umaga idaraan ang labi ni Mayor Bote sa Bethany United Methodist Church para sa isang “Luksang Parangal.”

Matapos nito ay ihahatid na ang alkalde sa kanyang huling hantungan.

Hulyo a-Tres nang tambangan si Bote sa Cabanatuan City, Nueva Ecija, isang araw matapos namang paslangin si Tanauan City, Batangas Mayor Antonio Halili.