Muling pag-aresto sa suspek sa Silawan slay case iniutos ng Pangulo

by Powered by DWIZ
0 comment
Muling pag-aresto sa suspek sa Silawan slay case iniutos ng Pangulo

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang muling pag-aresto sa suspek sa pagpatay sa 16-anyos na si Christine Lee Silawan.

Sa kanyang talumpati sa PDP-Laban campaign rally sa Koronadal City, South Cotabato, inamin ni Pangulong Duterte na tinawagan niya ang piskal na nag-utos na pakawalan ang 17-anyos na suspek.

Magugunitang ipinag-utos ng Lapu-Lapu City Prosecutor’s Office ang pag-release sa binatilyo mula sa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil walang warrant nang arestuhin ito ng National Bureau of Investigation (NBI) at hot pursuit operation na isinagawa.

Nag-leksyon din ang Punong Ehekutibo sa kanyang interpretasyon ng “hot-pursuit” principle.

“Sabi ko: I-recall mo yung desisyon. Have the guy re-arrested.” “Di ako papayag ganunin ang bata. Binalatan mo ang bata. Mahuli ka ilang days, tapos palayain? Imposible ang hot pursuit na 24 hours lang. Six days, it’s still hot pursuit.” Pangulong Duterte

—-

 

 

 

 

Related Posts