Dalian train posibleng gamitin na para sa regular na biyahe ng MRT

0
49

Posibleng i-deploy na ng Department of Transportation o DOTr anumang araw ngayong linggo ang isa sa mga Dalian train para sa regular na biyahe ng Metro Rail Transit-3.

Sakaling i-deploy, ito ang unang beses na maglalagay ng Dalian train sa MRT bilang bahagi ng rehabilitasyon ng nabanggit na railway system.

Ang nabanggit na tren ang una sa tatlong Dalian trains na naka-kumpleto ng validation tests matapos matengga ng ilang taon dahil umano sa incompatibility issues.

Gayunman, nilinaw ni Transportation Undersecretary TJ Batan na hindi naman tuluyang mababawasan ang congestion sa posibleng deployment ng Dalian train lalo’t nananatili sa labinlima (15) ang average number ng tumatakbong tren.

Pupunan lamang ng bagong tren ang kakulangan habang ino-overhaul ang mga lumang rolling stock.

—-