Mahigit 400 exotic animals nasagip ng mga awtoridad

by Powered by DWIZ
0 comment
Mahigit 400 exotic animals nasagip ng mga awtoridad

Mahigit apatnaraang (400) mga exotic animals ang na-rescue ng pinagsanib na puwersa ng National Bureau of Investigation (NBI) at Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Natagpuan sa isang bahay sa Barangay Dahican sa Mati City iba’t ibang exotic animals na nagmula sa Indonesia at nakatakdang ibenta sa Metro Manila.

Kabilang sa mga nakuha ang black palm cockatoo, sulfur crested cockatoo, eclectus parrot, black monitor lizard at iba pa na nagkakahalaga ng 150 million pesos.

Arestado sa naging operasyon ang mag pinsang sina Jomaw Lomakore at Rompas Manindig na dumipensa pang hindi kanila ang mga nakuhang hayop at pinababantayan lamang ito sa kanila.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa wildlife resources conservation and protection act.

—-

 

 

 

Related Posts