Radio Philippines Network
National News

Ilang mambabatas kinalampag ang Senado hinggil sa pagsasabatas ng DDR

Kinalampag ng ilang mambabatas ang Senado upang maipasa na ang batas na lilikha sa Department of Disaster Resilience (DDR).

Ayon kay House committee on disaster management chairperson Geraldine Roman, lusot na sa Kamara ang House Bill 8165 na magtatag sa naturang ahensiya.

Aniya, hindi na kailangan pang ipaliwanag kung bakit kailangang itatag ang DDR dahil malinaw na kailangan ito ng bansa.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Kabayan Rep. Ron Salo, isa sa pangunahing may akda ng panukala na kailangan nang madaliin ng Senado ang pagpasa sa nasabing panukala.

Paliwang nito, ito ay upang madaling matugunan ang mga nararanasang kalamidad sa bansa.

Layon ng House Bill 8165 na magkaroon ng punong ahensiya ang gobyerno na mangangasiwa sa paghahanap ng istratehiya at systema upang mapigilan, mapaghandaan at matugunan ang anumang sakuna na tatama sa bansa.

—–

Related posts

Kabuuang bilang ng mga Pinoy sa ibang bansa na mayroong COVID-19 umakyat na sa 2,664

Powered by DWIZ

PCG nag-iipon na ng ebidensya laban sa mga opisyal ng MV Vienna Wood

Powered by DWIZ

Milyong pisong halaga ng asukal nadiskubre sa Port of Manila

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More