33.2 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Davao: Top 5 HVI sa Buhangin at isa panglalaki ang nahuli sa buy-bust operation

- Advertisement -

Dalawang lalaking sangkot sa iligal na droga ang dinala sa KULUNGAN, matapos silang arestuhin sa buy-bust ng mga tauhan ng Buhangin Police Station 5 at Regional Police Drug Enforcement Unit 11 kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency 11.

Visit RPN DXKT Davao

Ang operasyon ay ginawa sa Km. 6 National Highway, Buhangin, Davao City kung saan matagumpay na naaresto sina Jonnies Uy Barcon alyas Gamay, na Top 5 Regional Level, High Valued-Individual at Darwin Hungria Pipeto (Street Level Individual).

Narekober sa kanila ang ilang halaga ng pera, boodle money at iligal na droga.

Ayon sa ulat, ang mga drug items na narekober ay tumitimbang ng 3.5 gramo at may halagang Php 56,000.00.

Nasa kustodiya na ngayon ng Buhangin Police Station 5, Davao City Police Office ang mga naaresto para sa kaukulang disposisyon.

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -