Davao: Kidnapping na naganap sa Davao city, kasinungalingan

0
0

Walang katotohanan ang mga alegasyong nangyari na kidnapping sa Bo. Obrero Davao City, ito ang sinabi ng Station Commander sa Sta. Ana Police Station 1 na si PLt. Colonel Ronald L. Lao.

Visit RPN DXKT Davao

Ayon pa kay PLt. Lao na pasado alas 4 ng madaling araw, Agosto 22 pumunta ang mobile patrol J53 sa Sta. Ana Police kasama ang 76 taong gulang na si Salvacion Loreto, isang retired Teacher na nakatira sa Loyola St., Bo. Obrero upang humingi ng tulong matapos kinuha ng naka-van ang kaniyang 32 taong gulang na babaeng anak na nasa Matina, Davao City.

Saysay nito na nakarating ang kaniyang anak sa bahay, makailang oras, kinuha umano ito ng naka-van na may plate number 266-949.

Kaagad na nagsagawa ng imbestigasyon ang Sta. Ana Police at doon nalaman, sa tulong ng panganay na anak na may Alzheimer ang kanilang ina.

Dahil dito, naglabas ng pahayag ang Davao City Police Office.

From DCPO:

“Please be informed that there was no kidnapping incident happened somewhere in Obrero as posted on social media.

Upon our verification and investigation, the family vehemently denied the allegation.

We ask everyone to stop sharing unconfirmed report online to avoid confusion that may affect our safety and security.

Thank you.”

(Source: DCPO XI)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here