33.5 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Davao: 12-Point Priority Agenda sa lungsod ng Davao

- Advertisement -

Inilatag ng lokal na pamahalaan ng Davao City ang 12-point agenda ni Mayor Sebastian Duterte sa isinagawang Executive and Legislative Agenda 2023-2025 meeting sa Arcadia Event Center , Setyembre 22, 2022.

Visit RPN DXKT Davao

Kung saan ang iba’t ibang department head ng Pamahalaang Lungsod at City Acting Administrator na si Atty. Francis Mark Layog.

Kabilang sa 12 pangunahing priyoridad na mga lugar ay ang pagpapagaan ng kahirapan, pagpapaunlad ng imprastraktura, napapanatiling kapaligiran, kalusugan, edukasyon at pagpapaunlad ng yamang tao, agrikultura at agribisnes, pag-unlad ng suporta sa negosyo at industriya, pagpaplano ng transportasyon at pamamahala sa trapiko, kapayapaan at kaayusan, pagbabawas at pagpapagaan sa panganib ng kalamidad, mabuting pamamahala sa pamamagitan ng Information Communication Technology, turismo at pagpapaunlad at mga serbisyo ng suporta.

Layunin nito ang pag-unlad ng lungsod sa loob ng tatlong taong termino ni Mayor Duterte.

Habang hinihimok ni Mayor Baste Duterte ang kanyang mga kasamahan sa executive at legislative offices na tumulong at makikipagtulungan sa pagpapatupad ng mga prayoridad na proyekto at programa para sa kaunlaran ng lungsod ng Davao.

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -