Suspek sa pambobomba sa Abra arestado
September 6, 2018
SP Sotto ipinaalam sa Palasyo ang pagbibigay kustodiya kay Trillanes
September 6, 2018
Show all

DXDX GenSan
Dalawa Arestado Sa Drug Operation Ng PDEA XII

Arestado ang dalawang tao matapos ang isingawang operasyon ng pinagsamang pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency Region XII at Philippine National Police sa magkaibang anti-drug operation nitong buwan ng Setyembre taong kasalukuyan na pinaniniwalaang mga high value target ng awtoridad.

Isang buy bust operation ang isinagawa ng ahensya kasama ang Provincial Drug Enforcement Unit, Provincial Intellegence Branch ng Sarangani Province at Malungon Municipal Police Station noong September 5, 2018 alas 6:20 ng gabi sa Purok 1, Lamcanal Barangay Malandag Malungon Sarangani Province, kung saan naaresto si Randy Ordoñez 19 na taong gulang at residente ng Purok 5 Sitio Lamcanal ng nabanggit na barangay, nakuha sa kanya ang dalawang pinaniniwalaang sachet ng shabu na may estimate value na P 1,360 at buy bust money na ginamit sa operasyon.

Nahuli naman kinabukasan September 6, 2018 ang isa pang drug suspect matapos isinabisa ang dalang search warrant ng PDEA XII at M’lang Municipal Police Station, kinilala itong si John Gerano Tupaz , 56 na taong gulang , may asawa at residente ng Purok 2 Barangay New Janiuay M’lang Cotabato Province. Si Tupaz ay may negosyong buy and sell, na pinaniniwalaang  nagbebenta rin ng iligal na lugar at base naman sa reports nagpapatuloy pa rin siya sa kanyang mga iligal na gawain at kanya ring ginagamit ang kanyang mga manggagawa bilang mga courier ng droga upang maghatid ng mga iligal na droga mula sa identified sources ng munisipalidad ng M’lang sa Cotabato.

Nakumpiska sa operasyon ay pitong (7) sachets ng pinaghihinalaang shabu na tumitimbang ng higit sa sampung (10) gramo na may tinatayang halaga ng Php 68,000.00, improvised tooter, dalawang (2) kalibre .45 pistola, tatlong (3) bala at puting SUV. Kasong paglabag sa Article 2 of Republic Act 9165 The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at section 11 (Possession of Dangerous Drugs) ang kasong isasampa laban kay Ordoñez na nasa kustodiya na ng PDEA XII , habang haharap naman sa kasong paglabag sa Section 6, 11 and 12 of RA 9165 and RA 10591 si Tupas na nasa M’lang Municipal Police Station.

RPN
RPN

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *