Baguio: Mayor Benjie Magalong blood galloner na

0
0

(Baguio City) Ginarawaran sina Mayor Benjamin Magalong at City Councilor Peter Fianza bilang kasapi ng Blood Galloners Club ng Philippine National Red Cross Baguio City Chapter dahil sa donasyon  nila ng  mahigit isang Gallong dugo sa Red Cross Blood Services ng nasabing local PNRC chapter.

Ang paggawad ay ibinigay ni Philippine Red Cross Baguio City Chapter Chairman Erdolfo Balajadia sa isang Flag raising ceremony sa City Hall ground  noong Lunes ng Umaga.

Ayon kay Balajadia ,ninanais nilang mapataas ang Blood Donasyon upang makalikom ng sapat or sobra pang dugo para sa kanilang mga cliente sa dito Baguio.

Idinagdag  ni Balajadia na ang dugo ay nakakatulong upang makapagdugtong ng buhay sa mga nangangailangan nito. (RPN-BAGUIO/ JOEL CERVANTES/Jimmy Bernabe)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here